
Adbokasiya sa pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ang adbokasyong ito ay paraan upang ipaalala sa ating mga Pilipino kung gaano nga ba kahalaga ang wikang Filipino sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Ang Wikang Filipino ay isang pagkakakilanlan sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Kilala tayong mga Pilipino bilang mga gaya-gaya maliban sa pananamit, kilala din tayong gaya-gaya sa kanilang mga linggwahe. Ngunit sana hindi ito ang maging daan upang hayaan natin na tuluyan nang limutin at mawala ang ating sariling wika. Bigyan nating halaga at importansya ang ipinaglaban ng ating mga ninuo makamtan o magkaruon lamang tayo ng ating sariling wikang pambansa. Hahayaan ba nating mas mangibabaw, mas maging bihasa tayo at mas tangkilikin ang wika o linggwahe ng iba o ng ibang bansa? At tuluyang kalimutan at pag-iwanan ang sariling wika? Dahil kung magk...