Adbokasiya sa pagpapahalaga sa Wikang Filipino.

        Ang adbokasyong ito ay paraan upang ipaalala sa ating mga Pilipino kung gaano nga ba  kahalaga ang wikang Filipino sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. 

       Ang Wikang Filipino ay isang pagkakakilanlan sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Kilala tayong mga Pilipino bilang mga gaya-gaya maliban sa pananamit, kilala din tayong gaya-gaya sa kanilang mga linggwahe. Ngunit sana hindi ito ang maging daan upang hayaan natin na tuluyan nang limutin at mawala ang ating sariling wika. Bigyan nating halaga at importansya ang ipinaglaban ng ating mga ninuo makamtan o magkaruon lamang tayo ng ating sariling wikang pambansa. Hahayaan ba nating mas mangibabaw, mas maging bihasa  tayo at mas tangkilikin ang wika o linggwahe ng iba o ng ibang bansa? At tuluyang kalimutan  at pag-iwanan ang sariling wika? Dahil kung magkaganoon para na nating ibinaba at ikinahiya ang ating pagka-Pilipino. Hindi naman masamang gamitin ang ibang linggwahe tulad ng Ingles sapagkat ito ang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa mga banyaga o dayun mula sa ibang bamsa, ngunit pakatatandaan na ang wikang Filipino o Tagalog ang ating instrumento ng komunikasyon bilang Pilipino. Ito ay arbitraryo.  Ito ang nagpapanatili, nagpapayabong at nagpapalaganap ng ating  kultura at ng karunungan. Higit sa lahat, Wikang Filipino ang ating Wikang Pambansa. 
       
        Kaya kapwa Pilipino, WIKANG FILIPINO, HUWAG IKAHIYA BAGKUS IPAGMALAKI, MAHALIN, AT BIGYANG  HALAGA.

Comments

  1. Sumasang-ayon ako sa puntong iyong ibinahagi. Tunay na makabubuti para sa mga mamamayang Pilipino ang palawigin ang ating sariling wika.

    ReplyDelete
  2. Sumasang-ayon din ako sa puntong iyong ibinahagi.

    Bakit mahalagang pangalagaan ang sariling wika? Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ang iyong sariling wika? Pinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking isipan.

    Wikang filipino ito ang pinagmulan ng ating mga ninuno ang sariling atin, matatawag na patunay na kung saan tayo nakikilala sa mga banyagang pumupunta sa atin. Wikang filipino, na ating mas pinalalago sa bawat pag alpas ng panahon at pinaaapoy sa linggay ng makabagong teknolohiya at imbensyon. Ang ating wikang filipino ay kinakailangang pangalagaan at mas lalong pagyabunginsa pagkat itoy matatawag na sariling atin.

    Sana makatulong po.....

    Lamberte, Cresildo Jr. R.

    ReplyDelete
  3. Sumasang-ayon din ako sa puntong iyong ibinahagi.

Post a Comment